_eyzzwrkn17
ala una na nga ako natulog
andame ko pa napanaginipan.

dream update 11/26/2020
_eyzzwrkn17
parang tatlong part yung panaginip ko.
1st part - kasama ko daw bff ko si wo.
ksama mga z3c mataya-taya daw sa putikan..
nasabi kong z3c kasi andun sina lerna at nina..
pero di ako nagtagal umahon din ako..
_eyzzwrkn17
2nd part - pag ahon ko. may nakita akong dalawang bata.
1boy 1girl naglalaro sa buhanginan..
kadugtong sa nung putikan na pinaglalaruan namin..
weird kasi.. parang beach type sya.. may buhagin. may dagat.
pero yung games namin kanina pool pero putikan. haha
_eyzzwrkn17
anyways. nakita ko nga yung dalawang bata.
binigyan sila ni wo ng 100php.
pero binabaliwala lang nung mga bata.
as if na walang halaga sa kanila kasi..
hinahayaan lang nila yung pera.
naku di pwede sakin yun.
naisip kong kunin at ipabarya.
baka kasi di nila kilala yung 100php
pag tig pipiso na. kilala na nila.
_eyzzwrkn17
umuwe daw ako sa bahay to get barya.
pero wala. kaya naisipan kong ipa barya sa tindahan kasi
yung lugar namin. puro tindahan yun.

weird yung bahay namin.
parang nirerenovate. puro hollow blocks eh.
tas mga trabahador.
_eyzzwrkn17
andame kong tindahan na napagtanungan puro walang barya.
i ended up dun sa pinaka mabentang tindahan.
haba ng pila. andun naka pila mga kababata ko na
diko na masyadong close now. like sila erwin. duh. haha
dumating pamangkin ko si brayden. sabi tito papabarya ka?
dun sa bandang unahan
_eyzzwrkn17
i keep walking.. andame na pala nagbago sa lugar namin..
may plaza na. and so many pamiliar faces from my past.
napunta ako sa dulong tindahan.
andun asawa si aling jocelyn.
nagulat ako kasi yung hawak kong 100 naging 500.
kaya mas lalo syang nahirapang pabaryahan.
pero willing naman sya.
_eyzzwrkn17
andun din si nanay ko.
sabi.. bon bakit mo pinayagan yung kapitbahay
kunin yung painitan ng tubig..
sabi ko. bakit ko gagawin yon?
eh alam kong kaaway nyu yun.
sabi ni nanay : eh sabi nila pumayag ka daw eh.
sabi ko : hindi ah. anu ginawa nyo?
sabi ni nanay : eh di binawi ko.
_eyzzwrkn17
nung nakuha ko na yung tig pipisong 500php.
susugurin ko sana yung kapitbahay naming magnanakaw.
bigla nag change scene..
_eyzzwrkn17
3rd part - nakita ko sarili ko sa tapat ng forest park
(name ng bldg yun) may malaking glass cage sa harap ko.
nahahati sa limang cell ... puro snake yung laman..
parang binibreed nya..

sa panaginip ko. mau kasama akong babae..
parang boss ko sya. tas iniinstruct nya ko mga
dapat tandaan..
_eyzzwrkn17
may hawak akong hose ng tubig.
para daw pag nauhaw sila..
habang pinapainom ko yung nasa cell 4
bigla lumabas yung nasa cell#3
i was terified.
lakas tibok ng puso ko.
_eyzzwrkn17
diko alam pano ibalik.
mukha silang venomous snake.

sobrang kaba ng puso ko.
nagising ako.

6am. and tinatype ko to.
dahil mamaya makakalimutan ko na.
載入新的回覆