Ipinagdiwang ang unang anibersaryo ng Angat Buhay bilang non-profit organization. Ayon kay Chairperson Leni Robredo, nagtipon-tipon ang institutional partners at mga volunteer na organisasyon, para sa isang hapon ng kasiyahan at pag-asa.
Nagsagawa sila ng tinatawag na Development Matching session, kung saan pinagtagpo natin ang mga volunteer NGOs at ang ating institutional partners, para masimulan ang kanilang ugnayan sa kanilang mga ibinahaging adbokasiya.
Sa kasalukuyan, nasa halos dalawandaang volunteer organizations at higit labintatlong libong individual volunteers na ang nasa hanay nila — at sa ating patuloy na pagtutulungan, tiwala sila na lalo pa nating mapapalawak ang naaabot ng kanilang kalinga at pagkakaisa sa bayan.
Panawagan ni Leni Robredo sa ating mga Mamamayang Pilipino: At kung may isang buhay tayong mapapaginhawa, maililigtas, maiaangat, kung may isang kwento ng Pilipino na maitatawid natin mula sa dilim tungo sa liwanag, ayun lang, sulit na sulit na ang pagod natin.
Ipinagdiwang ang unang anibersaryo ng Angat Buhay bilang non-profit organization. Ayon kay Chairperson Leni Robredo, nagtipon-tipon ang institutional partners at mga volunteer na organisasyon, para sa isang hapon ng kasiyahan at pag-asa.
Sa unang taon nitong NGO, pormal nating inilunsad ang AngatBayanihan — ang pinakamalaking volunteer network sa buong Pilipinas.
Mga larawang pinagkukunan 📸: Aica Dioquino, Andreana Chavez, Clare Cabudil, at Deanne Lopez.