ynigo
Di ko alam kung saan at paano nagsimula 'to pero pang Friday ulam talaga ang ginisang munggo.

Kaya naman ginisang munggo at pritong tilapia ang tanghalian natin ngayon.
ynigo
titapinky: actually narinig ko rin yan hahaha
tyronthedragon
Ang sabi rin sa akin ng mga bakket, bawal ang karne pag Byernes kaya monggo ang ulam kasi Byernes namatay si Papa Jisas. Pag-aayuno nila kumbaga.
ynigo
tyronthedragon : pwede rin. pero kasi kami ever since, may pork cubes yung monggo namin kahit Good Friday hahahaha
ynigo
titapinky: diba? parang kulang pag walang pork cubes and/or chicharon haha
tyronthedragon
titapinky: ynigo : Hahaha! Pag nga may tirang liempo nilalagay ko rin.
tyronthedragon
ynigo : titapinky: Dahon ng ampalaya o dahon ng malunggay?
ynigo
tyronthedragon : sakin ok lang kahit alin sa dalawa. basta kung ano ang available sa talipapa
tyronthedragon
ynigo : May puno kasi kami ng malunggay kaya yun ang default. Pero kakamiss din ang pait ng dahon ng ampalaya. Gaya ng pait ng buhay emz.
ynigo
tyronthedragon : naalala ko rin ang buhay ko sa bawat kagat sa dahon ng ampalaya
tyronthedragon
titapinky: ynigo : So true. Pag sariwa nga ang ampalaya, as in kakapitas pa lang, bittersweet sya. Yah, parang life.
載入新的回覆